8 Abu Sayyaf, 1 sundalo patay sa Sulu

By Chona Yu, Kathleen Betina Aenlle December 30, 2015 - 10:58 PM

abu-sayyaf (1) (Update) Patay ang walong miyembro ng Abu Sayyaf Group (ASG) at isang sundalo matapos magkasagupa ang dalawang grupo sa Sitio Sangay, Barangay Buhanginan, Patikul, Sulu.

Hindi naman bababa sa pitong kasapi naman ng Abu Sayyaf at isang sundalo ang sinasabing nasugatan.

Tinatayang nasa 100 na miyembro ng ASG ang naka-engkwentro ng mga sundalo.

Ayon kay Major Filemon Tan, Jr., tagapagsalita ng Western Mindanao Command, nakasagupa ng Scout Rangers ang grupo ni Hatib Hajan Sawadjaan.

Base sa isang police report, binabalak umano ng mga militante na magsagawa ng pagpapasabog sa bayan ng Jolo at atakihin ang mga pulis at sundalong naroon.

Matatandaang noong Lunes lamang, dalawang kasapi ng marines ang nasawi matapos makasagupa ang ASG sa Talipao.

Ani Tan, patuloy ang operasyon ng mga sundalo laban sa bandidong grupo, at para na rin ligtas na masagip ang mga hawak nitong bihag.

TAGS: 8 abu sayyaf killed in sulu, 8 abu sayyaf killed in sulu

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.