Miss Universe, nararapat bigyan ng tax exemption ayon sa isang mambabatas

By Isa Avendaño-Umali December 30, 2015 - 11:04 AM

PIA miss universeIsang resolusyon ang nakatakdang ihain sa Mababang Kapulungan na layong i-exempt sa pagbabayad ng buwis si Miss Universe 2015 Pia Alonzo Wurtzbach.

Ayon kay Cagayan de Oro Rep. Rufus Rodriguez, ihahain niya ang kanyang tax break resolution sa pagbabalik-sesyon ng Kongreso.

Paliwanag ng kongresista, marapat lamang na ma-exempt sa buwis ang anumang winnings o nakamit ni Pia mula sa kanyang pagka-panalo sa Miss Universe beauty pageant.

Sinabi ni Rodriguez na bukod sa resolusyon, magpa-file din siya ng isang pang resolusyon ng papuri kay Pia, na mula rin sa Cagayan de Oro.

Ani Rodriguez, matapos ang apatnapu’t dalawang taon ay labis na nakaka-proud na isang Kagay-anon ang nakoronahang Miss Universe.

Umaasa naman ang Mambabatas na makakauwi si Pia sa Pilipinas, upang personal na pangalanan siya bilang Ambassador of Goodwill.

 

TAGS: Miss Universe 2015, Pia Wurtzbach, Miss Universe 2015, Pia Wurtzbach

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.