WOW IT’S SHOWBIZ by Fernan ‘Ms F’ de Guzman

June 27, 2015 - 07:25 PM

FERNAN DE GUZMANKabog sila as in bongga dahil hindi nga naging sagabal ang pagbabakasyon ng matagal sa sirkulasyon nitong si Maureen Mauricio. Kapansin-pansin na marami ang nagsasabing ang mahusay niyang pag-arte sa “Bridges of Love” sa ABS-CBN 2.

Sa mga hindi nakakaalam, siya po yung gumaganap na ina nina Jericho Rosales at Paolo Avelino. “Nagpapasalamat ako dahil sa malaking tiwala sa akin ng ABS-CBN 2.” sey niya.

Likas ang galing niyang umarte dahil nga isa siya sa naging baby ni the late Lino Brocka. Basta’t nahawakan ka ni Direk Lino ay sigurado kang mahusay na artista.

Nag birthday siya last June 23. May birthday wish ba siya? “Sabi ko nga, wala namang perfect na family. Pero harinawa ay akin ay maging perfect. Libre naman ang wish ‘no!” sey pa niya.

Sa mga nanonood ng “Bridges of Love” ay kapansin pansin ang malaki niya nunal sa mukha. Balita namin ay ipatatanggal daw niya ito? “Sabi ng mga anak ko, bakit ko daw ipatatanggal ang nunal ko, eh ikaw yan” tsika pa ni Maureen.

” Lumalaki na kasi ,e, minsan nakakailang na. Wala naman problema kung dapat ng tanggalin,” aniya. “Pero hindi pa ngayon,”

-ooo-
How true? Nung grand press conference ng “The Break-up Playlist” ay may nagtext sa amin na mukha raw malungkot o kulang ang kasiyahan nitong bida na si Sarah Geronimo. Hindi daw yun ang totoong Sarah.

“Matamlay siya at marami ang nakapansin. Kahit minsan ay hindi ito humalakhak o tumawa ng malakas. At wala si Mommy Divine sa said event.
Mukhang may pinagdadaanan si Sarah,” sey ng aming source.

Hindi kaya may problema si Sarah dahil hindi na naman siya pinayagan na sumama ito kay Matteo sa paanyaya nito na lumabas ng bansa?
Nagtatanong lang naman. Basta abangan ang “The Break-Up Playlist” sa July 1.Ang tanong kabogin kaya nito ang “Starting All over Again” ?
Wait natin.

With Piolo Pascual around na Box office King of 2015 at siyempre ang Pop Princess siguradong patok sa fans ito. Mukhang totoo ang kasabihan na kapag bongga ang career, dapa naman ang lovelife. Nagtatanong lang po?

-OOO_

Wow it’s showbiz blind item dito sa Radyo.inquirer.net. Sino itong not so active na actress at not so young actor na may lihim na relasyon.
Nagsimula itong affair na ito ng magkasama sa isang serye ilang taon na ang nakalipas.

Hindi natapos ang lahat ng pagsamama, dahil nga nagkatikiman ang dalawa nang magkasama ito sa isang condo unit.

Yes, may nangyari kahit doble ang pagitan ng kanilang edad. Kahit na nga base ang actress sa ibang bansa ay hindi nito makalimutan na makipagkita kay young actor. Kapag siya umuuwi ng bansa.

“Paano ba naman makakalimutan , e magaling,” sey daw ito ni actress.
‘Yun na…. O knows n’yo ba kung sino siya? O knows nyo ba kung sino si aktres?

Initials niya? Isang event kapag kayo ay nag-aral, lalo na sa high school. Si young actor naman ay magkasunod ang initials niya sa ating english alphabet.

Wala na ng clue ha!

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.