Bagito ngunit mahusay

June 27, 2015 - 01:54 PM

sen grace poe1Naniniwala si CIBAC partylist Rep. Sherwin Tugna na may kakayahan at galing si Sen. Grace Poe kahit bagito itong senador kaya ito nangunguna sa mga survey.

Sinabi ni Tugna sa programang Warrior Angel sa Radyo Inquirer na nakita sa pagdinig ng senado sa Mamasapano incident ang kakayahan ni Poe dahil dokumentado at pinag-aralan nito ang isyu.

“Taglay ni Sen. Poe ang good name, good looks, magaling na pagtupad sa kanyang trabaho gaya ng paghawak ng imbestigasyon at magandang reputasyon kaya ito nangunguna sa mga surveys,” ani Tugna.

Iginiit ng kongresista na bilang isang lider, ang dapat na inuuna ay ang paglilingkod sa bayan bago ang sarili o personal na interest.

Kahit kailangan aniya ang husay ng isip, kakayahan at karanasan ay mas importante pa rin ang hindi iniisip ang sarili at pamilya nito kundi ang paglilingkod para matugunan ang mga problema ng bansa.

“Pinakamahalaga pa rin ang hindi iniisip ang personal na interest kundi kung ano ang solusyon sa mga problema ng bayan lalo na ang mga core issues,” pahayag ni Tugna./ Len Montano

TAGS: grace poe, Radyo Inquirer, sherwin tugna, grace poe, Radyo Inquirer, sherwin tugna

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.