Lotto gustong patawan ng buwis ng gobyerno

By Den Macaranas December 26, 2015 - 08:34 AM

lotto-0409
Inquirer file photo

Ipinanukala ng Department of Finance ang pagpapataw ng buwis sa mga premyo sa lotto ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO).

Ayon sa pag-aaral ng National Tax Research Center (NTRC) na may titulong “Profile and Taxation of Selected Gambling and Betting Activities in the Philippines, panahon na para iparehas ang pagbubuwi sa lahat ng uri ng sugal sa bansa.

Sinabi sa naturang pag-aaral na makatwiran lamang patawan ng 20-percent final tax ang lahat ng mga premyo sa lotto.

Binanggit din sa report ng NTRC na dapat ay maging parehas ang pagbabayad ng buwis ng mga nagsusugal. Kung ang lotto at casino prizes ay tax-free, ang mga horse racing clubs naman ay pinapatawan ng mataas na buwis.

Kabilang dito ang corporate income tax, value-added-tax at franchise tax na matagal nang binabayaran ng mga pumupusta sa karera ng kabayo.

Ipinaliwanag naman ng Finance Department na malaki ang maitutulong ng nasabing buwis na gagamitin naman sa mga social services program ng gobyerno.

TAGS: DOF, Lotto, pcso, DOF, Lotto, pcso

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.