Presidential candidates, nakiramay sa pagpanaw ni LJM

By Kathleen Betina Aenlle December 26, 2015 - 02:48 AM

Davao City Mayor Rudy Duterte visits Philippine Daily Inquirer on August 25, 2015.     INQUIRER PHOTO/ KIMBERLY DELA CRUZ
INQUIRER PHOTO/ KIMBERLY DELA CRUZ

Bukod sa mga mamamahayag at ilang mga mambabatas, ipinahatid rin ng mga presidential candidates ang kani-kanilang mga pakikiramay sa pagpanaw ni Philippine Daily Inquirer editor in chief Letty Jimenez Magsanoc.

Para kay Davao City Mayor Rodrigo Duterte nitong bisperas ng Pasko, ang pag-yao ni LJM na inalala niya bilang isa sa mga nagbigay ilaw sa pagsusulong ng press freedom noong rehimen ng Marcos, ay naghudyat ng “end of an era.”

Ani Duterte, hanggang sa kaniyang huling hininga ay hindi tumigil si Magsanoc sa pagsusulong ng public accountability at transparency, pati na rin sa patuloy nitong paniniwala sa kabutihan ng mga tao.

Naniniwala si Duterte na ito ang dahilan kung bakit hanggang sa huli ay nanatili kay Magsanoc ang credibilidad na matagal nang panahon niyang pinanghahawakan.

Nakiisa rin si Liberal Party presidential bet Mar Roxas sa pakikiramay sa lahat ng mga iniwang mahal sa buhay ni Magsanoc.

Ani Roxas, nagbigay karangalan si Magsanoc sa industriya ng pamamahayag sa pamamagitan ng kaniyang pagsusulong sa katotohanan at magiging makatarungan.

Samantala, nais namang magbigay pugay ni Sen. Grace Poe sa katapangan, at dedikasyong inialay niya para sa kalayaan ng mga Pilipino.

Mananatili aniya sa kaniyang mga taga-sunod, naimpluwensyahan at sa lahat ng Pilipinong naniniwala sa katotohanan ang kaniyang tatak na “fearless but responsible journalism.”

Sa kaniya namang Twitter account, nagpakita rin ng pakikiramay si Sen. Miriam Defensor Santiago sa mga kaanak ni Magsanoc at maging sa mga tao sa likod ng Inquirer.

TAGS: Letty jimenez Magsanoc, Letty jimenez Magsanoc

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.