Miss Universe Pia Wurtzbach, pinuri si Miss Colombia Ariadna Gutierrez

By Dona Dominguez-Cargullo December 25, 2015 - 08:39 AM

From Miss Universe FB Page
From Miss Universe FB Page

Ngayong araw ng Pasko, may mensahe si Miss Universe 2015 Pia Wurtzbach kay Miss Colombia Ariadna Gutierrez.

Magugunitang nagkaroon ng kontrobersiya sa pagitan ng dalawang kandidata ng Miss Universe matapos ang maling anunsyo ng nanalo mula sa host na si Steve Harvey.

Sa kaniyang mensahe na naka-post sa Facebook page ng Miss Universe, sinabi ni Wurtzbach na si Miss Colombia ay maganda hindi lamang sa panlabas kundi maging ang kaniyang kalooban.

Sinabi ni Wurtzbach na may nakatadhana para kay Miss Colombia.

“To Ariadna, you are an amazing woman and we are now bonded together forever by a unique experience. In the last 3 weeks we were together, I saw how strong and beautiful you are inside and out. You represented your country with honor and I know how proud everyone must be of you. Fate has a plan for you, and I’m excited to see what’s ahead,” ayon kay Wurtzbach.

Kasabay nito, umapela din si Wurtzbach sa mga Colombian at Filipino fans na itigil na ang pagtatalo sa social media.

Ayon kay Pia, ang Miss Universe Organization ay tungkol sa pagkakaisa at pag-empower sa mga kababaihan sa buong mundo.

Mula nang maganap ang kontrobersiya, patuloy ang palitan ng salita ng mga fans nina Miss Colombia at Wurtzbach sa social media. “And to all the fans who are still fighting about this…Please let’s all stop now,” dagdag pa ni Wurtzbach.

Sa nasabing ring FB post, inilarawan ni Wurtzbach kung gaano siya kasaya sa pagkakapanalo sa Miss Universe matapos ang pinagdaanang tatlong beses na pagsali sa Binibining Pilipinas.

Ito na aniya ang pinakamagandang Christmas gift na kaniyang natanggap.

TAGS: PIa Wurtzbach sends message to Miss Colombia, PIa Wurtzbach sends message to Miss Colombia

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.