5 sibilyan patay sa barilan sa pagitan ng AFP at BIFF

By Jan Escosio December 24, 2015 - 05:09 PM

military-070815
Inquirer file photo

Naipit sa palitan ng mga putok ng mga sundalo at mga miyembro ng Bangsamoro Islamic Freedom Fighters ang limang magsasaka sa Esperanza, Sultan Kudarat kaya’t napatay ang mga ito.

Ito ang kinumpirma ni Capt. Joan Petinglay, ang tagapagsalita ng 6th Infantry Division ng Philippine Army at aniya’y nag-abiso na sila sa mga residente ng Barangay Paitan na lumikas muna dahil sa isinasagawang military operations ngunit hindi nakinig ang limang magsasaka.

Sinabi pa nito na natukoy na nila ang mga biktima ngunit tumanggi itong ibigay ang mga pangalan ng lima sa katuwiran na patuloy pa silang nagsasagawa ng clearing operations.

Nauna nang iniulat ni Police Supt. Romeo Galgo, ang tagapagsalita ng Central Mindanao Regional Police Office, na alas-4 kaninang madaling araw nang magsimula ang engkuwentro.

Agad din na nagsagawa ng checkpoint at follow-up operations ang pulisya sa pag-asa na mahaharang nila ang mga bandido.

Samantala, ang mga lumikas na residente ay inaasahan nang magpapalipas ng pasko sa Municipal gymnasium.

 

TAGS: AFP, BIFF, sultan kudarat, AFP, BIFF, sultan kudarat

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.