AlDub, Maria Ozawa, dinumog sa MMFF parade

By Jay Dones December 24, 2015 - 04:13 AM

 

Richard Reyes/Inquirer

Dinumog ng libu-libong mga fans ang float ng tambalang ‘AlDub’ sa ‘Parade of Stars’ ng Metro Manila Film Festival kahapon.

Ang dalawang sikat na artista na sina Maine Mendoza at Alden Richards ang pangunahing mga bida sa pelikulang “My Bebe Love: Kilig Pa More” na ipapalabas simula araw ng Pasko, kasama ang iba pang pelikulang kalahok sa ika-41st MMFF.

Alas-onse pa lamang ng umaga, dumagsa na ang mga fans ng dalawa sa kahabaan sa mga lansangang dadaanan ng mga float para na may mga bitbit pang placards at mga larawan ng dalawang ‘Kalyeserye’ loveteam.

Hindi inalintana ng mga tagasuporta ng dalawa ang matinding sikat ng araw at nagtyagang maghintay sa kanilang mga idolong sakay ng iba’t-ibang mga ‘float’.

Bukod sa dalawa, dinumog din ng mga fans partikular ng maraming kalalakihan ang bida ng “Nilalang” na si Maria Ozawa, na kilalang adult video star.

Kasama rin sa “Parade of Stars” ang mga artista mula sa mga pelikulang “All You Need is Pag-ibig,” “Beauty and the Bestie,” “Buy Now, Die Later,” “Haunted Mansion,” “#WalangForever,” at “Honor Thy Father.”

Nakatakdang simulan ang MMFF sa December 25 hanggang January 7, 2016.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.