Pacquiao iaalay ang susunod na laban kay Miss Universe Pia Wurtzbach

By Den Macaranas December 23, 2015 - 07:35 PM

Manny Pacquiao, of the Philippines, smiles during a workout Wednesday, April 15, 2015, in Los Angeles. Pacquiao is scheduled to fight Floyd Mayweather Jr. in a welterweight boxing match in Las Vegas on May 2. (AP Photo/Jae C. Hong)
 (AP Photo/Jae C. Hong)

Sinabi ni People’s Champ Manny Pacquiao na iaalay niya kay newly-crowned 2015 Miss Universe Pia Wurtzbach ang kanyang huling laban na gaganapin sa April 2016.

Ayon kay Pacquiao, gusto niyang papurihan ang tagumpay ni Wurtzbach dahil sa kanyang ipinakitang determinasyon at sa karangalan na dinala niya para sa bansa.

Noong matalo si Pacquiao sa kanyang pakikipag-harap kay Floyd Mayweather Jr. noong buwan ng Mayo ay isang makahulugang mensahe ang inilagay ni Wurtzbach sa kanyang tweeter account.

Nakalagay doon ang mga salitang “ Kalma lang Guys. Ako ang bahala.

Babawi tayo sa Miss Universe!” Noong una ay inulan ng batikos mula sa mga netizens ang umano’y pagyayabang ni Wurtzbach pero napatunayan niyang mali sila nang masungkit niya ang korona sa nasabing beauty pageant.

Sinabi ni Pacman na sa puntong ito ay siya naman ang magsasalita sabay ang pahayag na tatalunin niya sinuman ang kanyang makakaharap sa kanyang huling laban.

Hanggang sa mga oras na ito ay wala pa ring inilalabas na detalye ang Top Rank Promotions sa kung sino ang makakalaban sa ring ni Pacman sa Abril.

 

TAGS: miss universe, Pacquiao, Pia Wurztbach, miss universe, Pacquiao, Pia Wurztbach

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.