Pangalan ng ilang mga kandidato ilalagay na sa computer system ng Comelec

By Ricky Brozas December 23, 2015 - 02:44 PM

comelec bldgSisimulan na ng Commission on Elections (Comelec) ang loading sa Election Management System o EMS ng mga inisyal na pangalan ng mga kandidato sa halalan sa 2016.

Kabilang sa mga ilalagay ng COMELEC ay ang pangalan ng anim na mga vice presidential candidates na kinabibilangan nina Senador Bongbong Marcos, Gringo Honasan, Antonio Trillanes IV, Alan Peter Cayetano,Chiz Escudero at Congresswoman Leni Robredo.

Paglilinaw ni Comelec Chairman Andres Bautista, partial loading pa lang sa EMS ang kanilang gagawin at hindi pa ito magiging kumpleto habang may mga nakabinbing petisyon laban naman sa iba pang mga kandidato na ipinade-diskwalipika bilang kandidato.

Kasama umano sa paunang ilalagay sa EMS ang mga kandidato na walang nakabinbing protesta ang kandidatura o kung may protesta man ay wala pang pinal na desisyon partikular na iyong mga umapela pero wala pang desisyon ang Comelec En Banc o Korte Suprema.

Sa pamamagitan din ng EMS, mailalatag ang aktwal na bilang ng mga voting precincts at bilang ng mga botanteng boboto sa kada presinto sa Eleksyon 2016.

Kasama rin umano sa ipapasok sa EMS ang 54 million na botante na may biometrics.

TAGS: bautista, comelec, EMS, bautista, comelec, EMS

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.