Pagdinig sa kaso kaugnay sa laglag-bala sa NAIA sinimulan na ng DOJ

By Ricky Brozas December 22, 2015 - 04:04 PM

NAIA TERMINAL 3/NOV.4,2015 Airport security closely watch contents of baggages from an  x-ray at the NAIA Terminal 3. INQUIRER PHOTO/RAFFY LERMA
. INQUIRER PHOTO/RAFFY LERMA

Nagsimula nang umusad ang isa sa mga kaso ng laglag bala modus sa Department of Justice.

Ito ay ang tungkol sa reklamo ng Amerikanong si Lane White.

Si White ay nakaalis na ng bansa, kaya ang kanyang mga magulang ang humarap sa preliminary investigation kanina.

Dumalo rin sa preliminary investigation ng DOJ ang dalawang personnel ng Office for Transportation Security na sina Maria Elma Cena at Marvin Garcia na inireklamo ni White ng dimano’y nasa likod ng pagtatanim ng bala.

Kasama nilang humarap sa pagdinig para sa reklamong paglabag sa Comprehensive Firearms and Ammunition Regulation Act ang kanilang abugado na humingi ng kopya ng CCTV footage sa NAIA.

Gagamitin umano nila ang kopya ng CCTV footage sa paghahain ng counter affidavit.

Pinagbigyan naman ni Associate Prosecutor Attorney Honey Rose Delgado ang kahilingan ng kampo nina Cena at Garcia.

Para naman sa tatlong pulis na sina SPO4 Ramon Bernardo, SPO2 Rolando Clarin, at SPO4 Rommy Navarro na pawang mga respondents din sa reklamo ay ang kanilang abogado lamang ang nakadalo sa pagdinig.

 

TAGS: NAIA, OTS, PNP, tanim bala, NAIA, OTS, PNP, tanim bala

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.