Negatibong komento ni Ms. Germany kontra Ms. Philippines, viral sa internet

By Jay Dones December 22, 2015 - 04:43 AM

Inquirer.net/AP

Umaani ngayon ng maraming negatibong komento sa social media ang reaksyon ni Ms. Germany Sarah Lorraine Riek sa pagkapanalo ni Ms. Philippines Pia Wurtzbach.

Sa ipi-nost na video ng reaksyon ng beauty pageant blog na Missosology, ipinakita rito ang pahayag ni Ms. Germany na tila hindi naging masaya sa pagkapanalo ni Wurtzbach bilang 2015 Miss Universe.

Unang tinanong si Ms. Germany kung bakit si Ms. Colombia Ariadna María Gutiérrez Arévalo ang kanyang nilapitan sa halip na batiin si Wurtzbach sa kanyang pagpanalo.

Paliwanag ni Riek, ito’y dahil sa hindi siya makapaniwala na si Ms. Wurtzbach ang nanalo sa halip na si Miss Colombia.

Paliwanag pa ni Miss Germany, wala sa mga kandidata ang bumoto para kay Wurtzbach kaya’t kanilang ikinabigla ang resulta ng patimpalak.

Maging ang ibang kandidata aniya ay naniniwalang si Miss Colombia ang dapat na kinilala bilang 2015 Miss Universe sa halip na ang Miss Philippines candidate na si Wurtzbach.

Samantala, Kung si 1969 Ms. Universe winner Gloria Diaz ang masusunod, nais nitong pagmultahin ng malaking halaga ang host na si Steve Harvey sa organizers ng 2015 Ms. Universe event at sa mga kandidatong naapektuhan ng kanyang kapalpakan.

Ayon kay Diaz, dapat magbayad ng 100 thousand dollars ang host-comedian dahil inilagay nito sa alanganing sitwasyon sina Ms. Colombia Ariadna Gutierrez at 2015 Miss Universe queen na si Pia Wurtzbach.

Sinabi naman ni 1973 Ms. Universe Margie Moran, pareho siyang naawa sa kina Ms.Colombia at kay Ms. Philippines  dahil sa sitwasyong kanilang hinarap.

Gayunman, naniniwala si Moran na karapat-dapat na Ms. Universe si Wurtzbach dahil sa mahusay na pagsagot nito sa question and answer portion.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.