Pia Wurtzbach, pasok sa final 10 ng Miss Universe 2015

By Dona Dominguez-Cargullo December 21, 2015 - 09:39 AM

Inquirer.net photo
Inquirer.net photo

Pasok sa Top 10 ng Miss Universe 2015 pageant ang pambato ng Pilipinas na si Pia Wurtzbach.

Malakas ang sigawan ng audience habang inaanunsyo ang final 10.

Inanunsyo ang sampung napiling kandidata matapos silang rumampa sa para sa swimsuit competition.

Pang-siyam na tinawag si Wurtzbach sa mga nakapasok sa top 10 ng Miss Universe Pageant.

Sa simula pa lamang ay crowd favorite na at malakas ang hiyawan ng audience kapag rumarampa ang pambato ng Pilipinas.

Maliban sa Pilipinas, pasok din sa top 10 ang kandidata ng mga sumusunod na bansa:

– USA
– Colombia
– Japan
– Thailand
– Australia
– Dominican Republic
– France
– Curacao
– Venezuela

42 years nang mailap ang Miss Universe crown sa Pilipinas.

Unang naiuwi sa bansa ang korona ni Gloria Diaz noong 1969 at sinundan ni Margie Moran noong 1973.

Simula noon, hindi pa muli nanalo ang Pilipinas sa nasabing beauty pageant.

TAGS: miss universe, miss universe

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.