Pambato ng Pinas, pasok sa Top 15 ng Miss Universe

By Dona Dominguez-Cargullo December 21, 2015 - 09:01 AM

Inquirer.net photo
Inquirer.net photo

Pasok sa Top 15 ng Miss Universe 2015 pageant ang pambato ng Pilipinas na si Pia Wurtzbach.

Si Pia ang ikalimang tinawag nang ianunsyo ang unang pitong kandidata na papasok sa top 15.

Sa simula pa lamang ay crowd favorite na at malakas ang hiyawan ng audience kapag rumarampa ang pambato ng Pilipinas.

Maliban sa Pilipinas, pasok din sa top 15 ang kandidata ng mga sumusunod na bansa:

– Brazil
– Australia
– Indonesia
– Jamaica
– France
– USA
– Curacao
– Belgium
– Japan
– Venezuela
– South Africa
– Colombia
– Mexico

42 years nang mailap ang Miss Universe crown sa Pilipinas.

Unang naiuwi sa bansa ang korona ni Gloria Diaz noong 1969 at sinundan ni Margie Moran noong 1973.

Simula noon, hindi pa muli nanalo ang Pilipinas sa nasabing beauty pageant.

TAGS: Miss Universe top 15, Miss Universe top 15

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.