Pia Wurtzbach, crowd favorite sa Miss Universe Pageant

By Dona Dominguez-Cargullo December 21, 2015 - 07:29 AM

Pia WurtzbachPaborito ang pambato ng Pilipinas na si Pia Wurtzbach sa Miss Universe Pageant na magaganap ngayong araw, alas otso ng umaga oras dito sa Pilipinas.

Ang final night ng Miss Universe pageant ay magaganap sa Planet Hollywood’s The Axis auditorium sa Las Vegas.

Maraming Pinoy ang dumayo sa lugar para ipakita ang suporta kay Wurtzbach.

Ayon sa Filipino singer-comedian na si David Bayer, stand out si Pia kumpara sa ibang kandidata dahil sa dedikasyon nitong maiuwi ang korona at dahil taglay nito ang kagandahang hinahanap ng Miss Universe Organization.

Sinabi naman ni Chelle Lhuillier na isang New York-based LGBT rights advocate na tuwing lalakad sa stage si Wurtzbach ay para bang tangan na niya ang korona.

80 kandidata mula sa iba’t ibang panig ng mundo ang maglalaban-laban sa korona ng Miss Universe.

TAGS: miss universe, Pia Wurtzbach, miss universe, Pia Wurtzbach

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.