Kyrie Irving, magaling na ang knee injury, balik NBA

By Mariel Cruz December 20, 2015 - 10:16 AM

kyrie irving
CLEVELAND.COM photo

Babalik na ang NBA star na si Kyrie Irving sa Cleveland Cavaliers ngayong Linggo matapos makaranas ng fracture sa kanyang kneecap noong buwan ng Hunyo.

Ayon kay Irving, excited na siya sa kanyang pagbabalik sa Cavaliers na nakatakdang lumaban kontra Philadelphia 76ers.

Sumailalim sa mahabang rehabilitation si Irving dahil sa injury na natamo nang kalabanin ang Golden State Warriors sa NBA finals.

Ayon naman sa coach ng Cavaliers na si David Blatt, maaari na nang sumabak muli si Irving ngunit babantayan ng kanyang koponan ang paglalaro nito.

Kabilang si Irving sa tinaguriang “Big Three” ng Cavaliers kasama nina Lebron James at Kevin Love.

Sa nakaraang season, umabot sa 21.7 points bawat laro, 5.2 assists at 3.2 rebounds ang nagawa ni Irving.

TAGS: NBA star Kyrie Irving comeback, NBA star Kyrie Irving comeback

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.