Miss World si Miss Spain

By Isa Avendaño-Umali December 20, 2015 - 08:08 AM

miss world 2015
Miss World photo

Kinoronahan si Miss Spain Mireia Lalaguna Royo bilang Miss World 2015.

Tinalo ng 23-year-old na modelo mula sa Barcelona ang mahigit isang daang kandidata mula sa iba’t ibang bansa, sa naganap na coronation night sa Beauty Crown Grand Theatre sa Sanya, China.

Ang pagkapanalo ni Royo ang kauna-unahang pagkakataon na nasungkit ng Spain ang Miss World title sa loob ng animnapu’t apat na taon.

Si Royo ay kasalukuyang nag-aaral ng kursong Pharmacy, at mahusay sa pagtugtog ng piano.

Samantala, si Miss Russia Sofia Nikitchuk ang pumangalawa, at pangatlo si Miss Indonesia Maria Harfanti.

Bagaman hindi natamo ang korona, pasok naman si Miss Philippines Hillarie Parungao sa Top 10 at umabot sa semi-finals.

Nakuha rin ni Parungao ang ‘Multimedia challenge award’, na bago sa Miss World Pageant.

Kay Miss Vietnam naman napunta ang People’s Choice Award, kaya otomatiko siyang nakapasok sa final part ng kumpetisyon, subalot hindi nakaabot sa Top 10.

TAGS: Miss World 2015, Miss World 2015

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.