Cat filter sa Facebook live nakalimutang i-off habang naka-live ang presscon ng mga pulitiko sa Pakistan

By Dona Dominguez-Cargullo June 17, 2019 - 11:45 AM

REUTERS PHOTO

Nag-viral ang press briefing ng mga pulitiko sa Pakistan makaraang hindi mapansin naka-on ang ‘cat filter’ sa video.

Ini-live sa Facebook ang press conference ng mga opisyal ng provincial government ng Khyber Pakhtunkhwa para ianunsyo ang ilang mahahalagang desisyon ng provincial cabinet.

Pero hindi naiwasan ng netizens na pagkaguluhan at magkomento sa FB live dahil ang pulitikong si Shaukat Yousafzai at iba pang opisyal ay nagkakaroon ng tainga at ilong ng pusa sa kasagsagan ng live video.

Ito ay makaraang hindi mapansin ng kanilang social media team na naka-on pala ang ‘cat filter’ sa video.

Inalis na sa FB page ng provincial government ang live video pero noong kasagsagan ng ag-ere nito ay marami na ang nakapag-grab ng mga larawan.

TAGS: cat filter, facebook live, foreign, pakistan, cat filter, facebook live, foreign, pakistan

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.