Travel ban sa mga opisyal ng gobyerno sa Canada, ipinag-utos ni Pangulong Duterte

By Chona Yu May 26, 2019 - 12:10 PM

Inatasan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang lahat ng department secretaries at heads of government agencies na limitahan ang pagbibigay ng travel authorities para sa official trips sa Canada.

Ito ay may kaugnayan sa kabiguan ng Canada na kunin ang tone-toneladang basura na itinapon sa bansa noong 2013 at 2014.

Ayon kay Presidential Spokesman Salvador Panelo, base sa memorandum na nilagdaan ni Executive Secretary Salvador Medialdea noong May 20, 2019, pinagbabawalan din ng pangulo ang mga nasa government owned, controlled corporations at government institutions na magbigay ng travel authorities sa Canada.

Pinalilimtahan na rin ng pangulo sa mga government agencies ang pagkakaroon ng official interaction sa mga kinatawan ng Canadian government.

Ayon kay Panelo, ang memorandum ay alinsunod na rin sa mariin na paninindigan ni Pangulong Duterte na hindi nababahala ang Pilipinas na putulin ang diplomatic ties ng Pilipinas sa Canada kung hindi kukunin ang basura.

Nagsimula na aniya sa pamamagitan ng pagrecall ng Pilipinas sa ambassador at consul general nang mabigo ang Canada na makamit ang itinakdang May 15 deadline para kunin ang basura.

Una rito, ipinag utos na ng pangulo ang paghahanap ng private shipping company na magdadala ng basura sa Canada.

Aakuin na rin ng gobyerno ng pilipinas ang gatusin sa pagbabalik ng basura sa Canada.

TAGS: Executive Secretary Salvador Medialdea, limitahan ang pagbibigay ng travel authorities para sa official trips sa Canada., Pangulong Rodrigo Duterte, Presidential spokesman Salvador Panelo, Executive Secretary Salvador Medialdea, limitahan ang pagbibigay ng travel authorities para sa official trips sa Canada., Pangulong Rodrigo Duterte, Presidential spokesman Salvador Panelo

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.