Paglilikas sa mga residente sa Albay dahil sa bagyo, sinimulan na

By Kathleen Betina Aenlle December 14, 2015 - 03:45 AM

 

Mula sa pagasa

Dahil inaasahang sa kanilang lugar direktang tatama ang bagyong ‘Nona’, mas pinaigting ng probinsya ng Albay ang kanilang paghahanda sa pamamagitan ng maagang paglilikas ng mga residente.

Ngayong isinailalim na sa Signal No. 3 ang Albay, tinatarget na ng lokal na pamahalaan na mailikas ang tinatayang 133,901 residenteng nakatira sa mga lugar na madaling bahain, o kaya ay maaring ragasain ng lahar bago pa man sumapit ang alas-8 ng umaga ngayong Lunes.

Iniutos ni Albay Gov. Joey Salceda ang nasabing paglilikas matapos i-anunsyo ng PAGASA na magla-landfall sa Albay ang bagyo dakong alas-9 hanggang alas-10 ng umaga.

Ayon din kay Salceda, isinailalim na ang probinsya sa “State of Imminent Danger” nang sa gayon ay magamit ang mga nakareserbang pondo para sa emergency response.

Kaninang alas dose ng hatinggabi, nasa 700 pamilyang nakatira sa lahar prone areas ang nailikas sa dalawang barangay sa bayan ng Guinobatan.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.