Binay, sinisi si Roxas sa mga paninira sa kaniya

By Kathleen Betina Aenlle December 12, 2015 - 04:11 AM

binay-roxas (2)Hindi na lamang si Sen. Grace Poe ang naninisi kay Liberal Party standard bearer Mar Roxas dahil sa mga kinakaharap nitong balakid sa kandidatura, dahil maging si Vice President Jejomar Binay, itinuturo na rin siyang nasa likod ng mga paninira sa kaniya.

Nakatitiyak umano si Binay na si Roxas ang may pasimuno ng mga planong “demolition by perception” sa pamamagitan ng pagsasampa ng mga kasong kurapsyon laban sa kaniya.

Aniya ang reaksyon ni Roxas kamakailan lamang na expert umano si Binay sa graft and corruption ay isang patunay na sangkot ang katunggali sa mga paninira sa kaniya.

“Talagang labis na nagpapatunay na si Mar Roxas ay kasama sa conspiracy ng demolition by perception, yung pagdidiinan at pagsisinungaling na ako ay expert sa graft and corruption,” ani Binay.

Nasabi ito ni Roxas nang hingan siya ng pahayag hinggil sa pagpapaliwanag ni Binay sa mga estudyante ng kaibahan sa pagitan ng graft at corruption, at dito niya rin sinabi na marahil ay ipinaliwanag ito ng Bise presidente base sa kaniyang personal na karanasan.

TAGS: Mar Roxas, Vice President Jejomar Binay, Mar Roxas, Vice President Jejomar Binay

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.