Watch: Apat na magkakahiwalay na sunog naganap sa iba’t-ibang lugar sa Metro Manila

By Dona Dominguez-Cargullo, Ruel Perez December 11, 2015 - 08:16 AM

Maliban sa sunog na naganap sa Barangay Damayan Lagi sa Quezon City kung saan walo ang nasawi, tatlo pang sunog ang naganap sa iba’t-ibang lugar sa Metro Manila simula kagabi hanggang kaninang madaling araw.

Sa Barangay Malanday sa Valenzuela City, daan-daang pamilya ang nawalan ng bahay matapos umabot sa general alarma ng sunog na nagsimula alas 12:00 ng hatinggabi at naideklarang fire out pasado alas 5:00 na ng umaga.

Sa Pasay City, sumiklab din ang sunog sa isang residential area kung saan umabot sa 45 pamilya ang naapektuhan at nawalan ng bahay.

Ngayong umaga, isang sunog din ang naganap sa isang bodega sa Barangay Ugong sa Valenzuela City.

TAGS: Fire hits 4 different areas in Metro manila, Fire hits 4 different areas in Metro manila

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.