9 patay sa sunog sa Quezon City

By Ruel Perez December 11, 2015 - 06:50 AM

Kuha ni Richard Garcia
Kuha ni Richard Garcia

(update) Siyam ang nasawi sa sunog na naganap sa residential area sa 11th Street Barangay Damayan Lagi sa Quezon City.

Kinilala ni SFO2 Mark Mondia ng Bureau of Fire Protection-Quezon City ang mga namatay na sina:
Elvira dela Cruz
Mary Ann dela Cruz
Ma. Victoria dela Cruz

Patay din sa sunog ang magkakamag anak na sina:
Apolinar Gomez, 54 anyos
Louie, 7 taong gulang
Glyza, 22 taong gulang
Omar

Nasawi din ang mag-inang sina Joy Bulalacao at dalawang taong gulang na si Ashley.

Pasado alas dose ng hatinggabi nang magsimula ang sunog sa nasabing lugar na umabot sa ikalimang alarma.

Alas 2:37 ng madaling araw nang ito ay maideklarang fire out.

Maliban sa mga nasawi, mayroon pang dalawang nawawala at anima ng nasugatan.

Umabot sa 50 bahay ang tinupok ng apoy at tinatayang aabot sa 250,000 ang halaga ng mga napinsalang ari-arian.

Natagpuan ang mga nasawi sa kitchen area ng kanilang bahay na magkakapatong-patong.

TAGS: fire hits residential area in QC, fire hits residential area in QC

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.