2 malaking sunog sumiklab sa QC at Valenzuela

By Kathleen Betina Aenlle December 11, 2015 - 03:24 AM

 

fire-defaultDalawang insidente ng sunog ang halos magkasunod na sumiklab sa Valenzuela at Quezon City sa nakalipas na magdamag.

Unang tinupok ng apoy ang halos 200 kabahayan sa Road 1, Lingahan, Malanday sa Valenzuela City.

Nagsimula ang sunog pasado alas-11 ng gabi, Huwebes sa residential area sa naturang lugar.

Dahil sa laki ng sunog, itinaas na ang general alarm ganap na 1:14 ng madaling araw.

Dakong alas 2:42 ng madaling araw, idineklara nang under control ang sunog.

Sa lawak ng insidnete kumalat ang apoy hanggang sa Road 2.

Hindi pa rin alam kung ano ang pinagmulan ng sunog.

Samantala, nagkaroon rin ng sunog sa 12th street New Manila ng Brgy. Damayan, Quezon City.

Umabot ng 5th alarm ang sunog dakong 12:56 ng hatinggabi, ngunit  naitala naman na itong fire out pagsapit ng alas-2:37 ng madaling araw.

Tinatayang nasa 50 kabahayan ang natupok ng apoy.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.