Human rights violators, hindi dapat mamuno-Poe

Posted in: Featured, Latest News, National, Photo Story

Human rights violators, hindi dapat mamuno-Poe

By: ,

 

Inquirer file photo

Walang karapatan na mamuno sa bansa ang isang tao na lumalabag sa karapatang pantao.

Ito ang binitiwang salita ni Senadora Grace Poe,  na mistulang pasaring kay Davao City Mayor Rodrigo Duterte na ipinagmamalaki ang pagpatay umano sa ilang mga kriminal sa lungsod ng Davao.

Sa pahayag ng senadora sa okasyon ng International Human Rights Day, kailangan ng Pilipinas ng isang lider na hindi lang marunong gumalang sa karapatang pantao  kundi dapat na marunong na manindigan para sa kanila lalo na sa panahon ng kagipitan.

Sinabi pa ni Poe na lahat ng tao ay isinilang na may karapatan sa mundo, mahirap o mayaman man.

May karapatan din aniya ang sinuman na pumili ng kanilang magiging susunod na lider kahit anuman ang kanilang estado sa buhay.

Matatandaang Si Duterte ay dati nang naakusahan na  pasimuno ng ‘Davao death squad’ na pumapatay umano ng mga kriminal at drug dealer sa lungsod simula nang maupo ito bilang alkalde noong 1988.

Nagawa pang aminin  ni Duterte sa ilang mga panayam na siya mismo ay nakapatay na ng ilang kriminal sa Davao.

 

 

Leave a comment