Conviction rate ng Ombudsman, tumaas

By Jay Dones December 11, 2015 - 02:15 AM

 

Ombudsman1Umakyat sa 75 porsiyento ang conviction rate ng tanggapan ng Ombudsman sa mga kasong isinasampa nito sa mga tiwaling kawani ng gobyerno sa unang semester ng 2015.

Sa report na inilabas ng Ombudsman, sinasabing nagawang maipanalo ng ahensya ang 75 sa kabuuang 108 na kasong kanilang isinampa sa Sandiganbayan sa unang anim na buwan ng kasalukuyang taon.

Ito ay mas mataas sa 45 porsiyento na conviction rate na naitala sa kahalintulad na panahon noong 2014.

Sa 108  na kaso, 81 ang nagkaroon ng guilty verdict samantalang nasa 27 lamang ang nagkaroon ng acquittal.

58 sa 81 kaso ay may kinalaman sa mga miyembro ng Kamara samantalang 34 ay mula sa mga LGU.

Karamihan sa mga naisampang kaso ay may kinalaman sa paglabag sa anti-Graft and Corrupt Practices Act ng ilang mga kawani ng pamahalaan.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.