Mahigit 2,000 establisimiyento sa QC, may paglabag sa Fire Code

June 25, 2015 - 03:26 PM

Valenzuela-Factory-Fire
Kuha ni Erwin Aguilon

Tuloy tuloy ang validation ng Quezon City Fire Department sa mga establisimiyento na nasa loob ng lungsod upang matiyak na sumusunod ang mga ito sa Fire Code.

Ayon kay BFP Fire Marshal F/Supt. Jesus Fernandez, sa  66,000 establisimiyento sa syudad,  una na nilang napadalhan ng Notice to Comply ang may 1,379 na negosyo, habang nasa 648 naman ang napadalhan ngayong Linggo.

Nilinaw din ni Fernandez na binibigyan nila ng pagkakataon ang mga establisimiyento na nakitaan ng paglabag na itama ang mga ito.

Dagdag pa ni Fernandez, isinasaalang-alang din nila ang mga manggagawa na mawawalan ng trabaho kung kaagad nila itong ipapasara.

Ang aksyon ng QC BFP ay alinsunod na rin sa kautusan ng DILG na muling tingnan kung sumusunod sa Fire Code ang may 300,000 establisimiyento sa Metro Manila , para matiyak na hindi na muling maulit ang sunog na naganap sa Kentex Manufacturing Inc. na kinasawi ng 72 katao. / Jong Manlapaz

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.