Warriors may 23-O record na makaraang ilampaso ang Indiana Pacers sa NBA

By Den Macaranas December 09, 2015 - 07:35 PM

Warriors-Pacers-Baske_Nava-e1449643453125
Inquirer file photo

Naitala ng Golden State Warriors ang kanilang ika-23 panalo na isa sa pinaka-mahabang winning streak sa kasaysayan ng NBA makaraan nilang talunin ang Indiana Pacers sa iskor na 131-123.

Pinangunahan ni Klay Thompson ang kampanya ng Golden State makaraan siyang gumawa ng bagong career-high na 39-points at 12-rebounds.

Ang kasalukuyang Most Valuable Player na si Stephen Curry at kumamada naman ng 29-points at 10 rebounds.

Sinubukan pang humabol ng Pacers sa 3rd quarter sa pangunguna ni Paul George na mayroong 32-points pero hindi nila kinaya ang sunud-sunod na puntos na pinakawalan ng Warriors.

Ilang panalo na lang ang kailangan ng team ni Curry para maabot ang 33-0 longest winning streak na naitala ng L.A Lakers noong 1971-72 season ng NBA.

 

TAGS: Golden State, NBA, Pacers, Stephen Curry, Golden State, NBA, Pacers, Stephen Curry

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.