‘#AlDubEBTamangPanahon’, top 3 trending topic sa 2015

By Jay Dones December 09, 2015 - 04:30 AM

 

aldub7Opisyal nang idineklara ng Twitter bilang ikatlong top-trending tweet para television category ngayong 2015 ang #AlDubEBTamangPanahon hashtag ng sikat na tambalang Maine Mendoza at Alden Richards o AlDub.

Inilabas na ng Twitter ang kanilang #YearOnTwitter list sa website na 2015.twitter.com na kumikilala sa mga naging top trending topics para sa taong ito.

Kabilang sa mga kategoryang naging bahagi ng naturang listahan ay ang mga nangungunang topic sa larangan ng telebisyon, musika, technology, news, sports, pastimes, mga artista at emoji.

Sa naturang talaan, umani ng 41 milyong tweets ang ‘#AlDubEBTamangPanahon’ nang ito ang gamitin ng programang ‘Eat Bulaga’ sa paghaharap nina Mendoza at Richards sa isang event noong October 24.

Una naman at ikalawa bilang top trending topic sa taong ito ang #KCA na ginamit ng Kids’ Choice Awards ng Nickelodeon at #TeenChoice naman na ginamit ng Teen Choice Awards.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.