‘A Second Chance’, kumita na ng higit P400 million!

December 06, 2015 - 04:53 PM

'A Second Chance' official poster
‘A Second Chance’ official poster

Pumalo na sa 400 million pesos ang kinita ng pelikulang ‘A Second Chance” nina John Lloyd Cruz at Bea Alonzo, sa loob lamang ng sampung araw mula nang ipalabas ito.

Sa anunsyo ng Star Cinema, nalagpasan na ng ‘A Second Chance’ ang 400 million mark kahapon, (December 05).

Mapapanuod ang naturang movie sa nasa 200 cinemas sa buong bansa, bukod pa sa mga movie house sa iba’t ibang panig ng mundo.

Hawak na rin ng pelikula ang record na ‘highest grossing non-MMFF movie’ sa opening day nito, matapos kumita ng 43.3 million pesos noong November 25, at tinalo ang 32 million peso record ng ‘Crazy Beautiful You’ nina Daniel Padilla at Kathryn Bernardo.

Sa naunang interview kina John Lloyd at Bea, sinabi ng dalawa na ‘overwhelmed’ sila na tinanggap ng mga tao ang ‘A Second Chance,’ na sequel na 2007 movie nila na ‘One More Chance.’

Nang matanong naman ng media kung gusto ba ng dalawa ang third installment ng love story nina Popoy at Basha, umaasa si Bea na mayroon dahil sa magandang resulta ng ‘A Second Chance.’

Bukod kina John Lloyd at Bea, kasama rin sa Cathy Garcia-Molina film sina Dimples Romana, James Blanco, Bea Saw, Janus Del Prado at Ahron Villena.

 

TAGS: A Second Chance, Bea Alonzo, John Lloyd Cruz, Star Cinema, A Second Chance, Bea Alonzo, John Lloyd Cruz, Star Cinema

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.