Pambato ng Pilipinas sa Miss Earth, panalo!

By Chona Yu December 06, 2015 - 10:29 AM

12224088_200221576981669_143369950_nPanalo ang pambato ng Pilipinas na si Angelia Ong bilang 2015 Miss Earth na ginanap kaninang madaling araw sa Marx Halle sa Vienna, AustriaM

Tinalo ng bente kwatro anyos na marketing management student ng Dela Salle-College of St. Benilde ang walumpong contestants na mula sa iba’t ibang panig ng mundo.

Itinanghal naman na first runner up o Miss Earth Air ang pambato ng Australia na si Dayana Grageda, habang second runner naman o Miss Earth Water naman ang pambato ng Amerika na si Britanny Payne at third runner up o Miss Earth Fire naman si Thiessa Sickert ng Brazil.

Matatandaang noong 2014, kinoronahan din na Miss Earth ang naging pambato ng Pilipinas na si Jaime Herrel.

Ito ang kauna unahang pagkakataon na magkasunod na taon na nanalo ang Pilipinas sa nakalipas na labinglimang taon.

TAGS: Ms. Earth, Ms. Philippines, Ms. Earth, Ms. Philippines

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.