Matapos ibunyag ni Charlie Sheen na sya ay HIV positive, ex-GF nagsampa ng demanda

By Dona Dominguez-Cargullo December 04, 2015 - 10:05 AM

SheenIdinemanda ng kaniyang dating girlfriend ang hollywood actor na si Charlie Sheen matapos ibunyag kamakailan ng aktor na siya ay positibo sa HIV.

Ayon sa 26 anyos na si Scottine Ross na dating porn actress, umabot sa isang taon ang relasyon nila ni Sheen.

Bago ibunyag ng aktor na siya ay HIV positive, sinabi ni Ross na nagkaroon pa ng pagtatalik sa pagitan nila ng aktor ng hindi bababa sa limang beses.

Ibinunyag din ni Ross na sa panahon ng kanilang relasyon ni Sheen, ilang beses siya nitong sinaktan at pinilit siyang ipalaglag ang kanilang anak noong siya ay mabuntis noong 2014.

Ang nasabing kaso, ang kauna-unahang lawsuit na isinampa laban kay Sheen simula nang ibunyag nito na siya ay HIV positive noong nakaraang buwan.

Ayon naman sa abogado ni Sheen na si Martin Singer, dedepensa sila sa inihaing lawsuit ni Scottine Ross.

Sa kwento ni Ross, nakilala niya si Sheen noong November 2013, nang kunin nito ang kaniyang serbisyo sa halagang $10,000.

TAGS: Charlie Sheen, Charlie Sheen

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.