DPWH, may reblocking sa EDSA-Cubao mula mamayang gabi hanggang Lunes

By Dona Dominguez-Cargullo December 04, 2015 - 07:38 AM

edsa trafficInabisuhan ng Department of Public Works and Highways (DPWH) ang mga motorista sa gagawing road reblocking sa bahagi ng Edsa – Cubao simula ngayong araw (December 4) hanggang sa Lunes (December 7).

Sisimulan ang reblocking alas 10:00 ng gabi mamaya at tatagal hanggang sa December 7 alas 5:00 ng umaga.

Apektado ang 1st lane ng bahagi ng southbound lane ng Edsa mula sa Aurora Boulevard hanggang sa P. Tuazon Street.

Gayundin ang 2nd lane ng northbound lane mula sa New York Street hanggang sa K-10 Street.

Ngayon pa lamang ay pinapayuhan na ng DPWH ang mga motorista na iwasang dumaan sa apektadong lugar sa oras ng reblocking para hindi maipit sa masikip na daloy ng traffic.

Pinapaspasan na ng DPWH ang mga reblockings dahil mula sa December 14 ay ihihinto ang lahat ng road repairs para hindi makadagdag sa traffic na dulot ng holiday rush.

TAGS: Weekend Road Reblocking, Weekend Road Reblocking

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.