Roxas, konektado umano sa nagsampa ng kaso kay Poe ayon kay Escudero

By Kathleen Betina Aenlle December 04, 2015 - 06:28 AM

mar-roxas-meet-inquirerNaniniwala si Sen. Francis “Chiz” Escudero na mayroon talagang nagma-maniobra sa mga kasong inihahain laban sa kaniyang ka-tandem na si Sen. Grace Poe para madiskaril ang kaniyang pagtakbo bilang presidente sa 2016 elections.

Ayon kay Escudero, si Liberal Party (LP) presidential bet Mar Roxas ang may kagagawan ng mga ito.

Aniya, si Atty Estrella Elamparo na nag-sampa ng disqualification case laban kay Poe sa Commission on Elections, ay konektado sa isang law firm na ginamit ni dating Defense Sec. Avelino “Nonong” Cruz, na kaalyado ni Roxas.

Si Elamparo aniya ay mula sa Divina law firm na ginamit ni Cruz sa pagsasampa ng kaso laban sa kaniyang dating associate na si Pancho Villaraza.

Samantala, una nang iginiit ni Senate President Franklin Drilon na walang kinalaman ang LP sa mga balakid na kinakaharap ni Poe sa kaniyang kandidatura.

Matatandaang pumabor kay Elamparo ang desisyon ng COMELEC Second Division kaugnay sa isinampa nitong disqualification case laban kay Poe.

TAGS: Mar Roxas, Mar Roxas

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.