Babala ng China binalewala

June 25, 2015 - 08:03 AM

japan
Japanese plane P-3C orion via AP

Hindi inalintana ng Pilipinas at Japan ang mga babala ng China kaugnay sa pagsasagawa ng joint exercises sa pinag-aagawang South China Sea.

Sa ikalawang pagkakataon, muling nagpalipad ng patrol planes ang Pilipinas at Japan noong Miyerkules bilang bahagi ng pagsasanay ng mga sundalo ng dalawang bansa.

Gamit ang Japanese plane na P-3C orion at Philippine Navy Islander, nagsagawa ng search and rescue drill sa himpapawid malapit sa 93 kilometers northwest ng Palawan.

Ang pinalipad na dalawang patrol planes ay nasa direksyon ng Recto Bank o Reed Bank na mahigpit na pinag-aagawan ng China at Pilipinas.

Noong Martes nagsagawa na ng parehong flight drill ang Japan at Pilipinas. Dahil dito, nagbabala si Chinese Foreign Ministry Spokesperson Lu Kang sa nagpapatuloy na naval drill ng dalawang bansa sa lugar. Ayon kay Kang, umaasa silang hindi na palalalain pa ang tension sa rehiyon.

Pero sa halip na magpapigil sa nasabing babala itinuloy ng Japan at Pilipinas ang flight drill.

Noong Martes, ang flight drill ng Japan at Pilipinas ay umabot sa 1,524 meters above ng Recto Bank.

Ayon kay Japanese Maritime Self-Defense Force Commander Hiromi Hamano naging matagumpay ang joint training exercise na tinawag niyang humanitarian and disaster response drill./ Dona Dominguez-Cargullo

TAGS: Japan-PH exercises, Navy Islander, P-3C orion, Radyo Inquirer, Japan-PH exercises, Navy Islander, P-3C orion, Radyo Inquirer

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.