WACKYLEAKS ni Den Macaranas

June 25, 2015 - 07:33 AM

den macaranasHabang nakatutok ang lahat sa kung sino ang susunod na hepe ng Philippine National Police ay naging successful naman ng isang ma-impluwensyang religious group na maipwesto ang kanilang manok para sa National Capital Regional Police Office (NCRPO) ng PNP.

Ayon sa ating Cricket sa Camp Crame, nagawa ng naturang grupo na maibulong sa mga makapangyarihang tao sa palasyo na na ipwesto ang kanilang bata na kabilang sa PMA Class of 1984.

Personal na ginapang ng ilang top officials ng religious group na ito ang appointment ng isang sikat na rin na Chief Superintendent para matiyak na sa kanya mapupunta ang pwesto bilang pinuno ng NCRPO.

Kung tutuusin ay pabor din naman sa Malakanyang ang naturang hakbang lalo na kung si Sec. Mar Roxas nga ang kanilang patatakbuhin sa 2016 dahil honorary member sya ng PMA Class of 1984.

Bukod sa NCRPO target din ng mga miyembro ng Maharlika Class ang pwesto bilang pinuno ng Intelligence Group, Police Regional Office 3 at 4A na kilala bilang “Jueteng Regions”.

Sa kasalukuyan ay hawak na rin ng Class 84 ang Comptrollership Department na siyang may-hawak sa pondo ng pambansang pulisya.

Performer at mahusay na police official ang ating subject na naka-assigned din dito sa Metro Manila.

Pero sana lang ay hwag siyang maging sunud-sunuran sa mga hihinging pabor in the future ng naturang church group na mahilig maningil ng utang na loob.

Lord kayo na po ang bahala sa mga taong ito.

Bukod kasi sa PNP ay lantaran din ang kanilang pag-gapang para maipwesto ang kanilang mga tauhan sa ilan pang vacant positions sa gobyerno.

Basta’t kaya ay ibinibigay naman ito ng palasyo dahil syempre kailangan nila ng suporta ng makapangyarihang grupong ito para 2016 National at Local elections.

Ang Police General na almost sure ay 100% nang magiging pinuno ng NCRPO sa pagreretiro ni Police Dir. Carmelo Valmoria sa July 16 ay si C/Supt. P.J….as in Poging Jockey

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.