2 sa 3 suspek sa mass shooting sa California, nabaril ng mga pulis

By Dona Dominguez-Cargullo December 03, 2015 - 09:12 AM

KABC Photo
KABC Photo

(updated) Patay ang dalawang suspek sa mass shooting sa San Bernardino sa California na ikinasawi ng 14 katao.

Ayon kay San Bernardino police Chief Jarrod Burguan, nabaril ng mga rumespondeng pulis ang dalawa sa mga suspek, habang ang isa pa ay naaresto matapos masukol ang getaway vehicle na SUV na kanilang ginamit.

Matapos kasi ang mass shooting ay agad nagsagawa ng manhunt operation ng mga pulis sa tatlong suspek.

Habang nagsasagawa ng manhunt, pinakiusapan ni Burguan ang mga residente na manatili sa loob ng kanilang tahanan kung sila ay nakatira malapit sa lugar kung saan nagaganap ang engkwentro.

Kanina isang center na nangangalaga sa mga persons with disabilities ang pinasok ng tatlong armado at saka nagpaputok.

TAGS: Mass shooting in San Bernardino California, Mass shooting in San Bernardino California

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.