6 na drug pusher sa Taguig at Las Piñas, arestado sa operasyon

By Ruel Perez December 03, 2015 - 09:08 AM

high-grade-shabuNaaresto ang isang 55-anyos na notoryus na tulak ng droga sa Taguig City sa isinagawang buy-bust operation ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA sa Taguig City.

Nakilala ang suspek na si Rufo Luzon, na nadakip matapos magpanggap na buyer ang isang ahente ng PDEA sa Sto. Niño Avenue, Plaza Onse, Signal Village.

Nakuha sa pag-iingat ni Luzon ang 14 na sachet ng hinihinalang shabu na may timbang na 17 gramo at may Street Value na P200 thousand pesos.

Nahaharap si Luzon sa kasong paglabag sa RA 9165 o comprehensive dangerous drug act.

Samantala, limang notoryus na mga tulak ng droga sa Las Piñas ang naaresto sa isinagawang One Time Big Time Anti Criminality Operation ng Southern Police District.

Pinangalanan ni SP02 Wilson Paule, OIC Chief ng SAID-SOTG Station Anti-illegal Drugs Special Operation Task Group ang mga nadakip na sina Alejandro Mandreza Jr. alias Paniki, na siyang nangunguna sa listhan ng pulisya na tulak ng droga sa Las Piñas, Merlyno Mirabuna – top 8, Richard Florida, Jimmy Tenorio – top 10, at Marilou Nalus.

Ayon kay SP02 Paule, ang mga nabanggit na drug suspects ay nalambat sa magkakahiwalay na lugar sa mga ikinasang operasyon mula November 25 hanggang December 2 na nagresulta ng pagkakadakip sa limang suspek.

Nakumpiska sa nabanggit na mga suspek ang hindi tinukoy na halaga ng ilegal na droga, at nakatakdang sampahan ng kasong paglabag sa Sec 5 at 11 ng RA 9165 o Comprehensive Dngerous Drugs Act dahil sa illegal possession at pagbebenta ng ilegal na droga.

TAGS: 6 drug pushers arrested, 6 drug pushers arrested

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.