Sa ika-anim na pagkakataon, Oplan Galugad, isinagawa sa Bilibid

By Dona Dominguez-Cargullo December 02, 2015 - 11:32 AM

BilibidItinuloy ngayong araw ang pagsasagawa ng Oplan Galugad sa New Bilibid Prisons (NBP) sa Muntinlupa City.

Sa isinagawang panibagong pagsalakay, nakumpiska ang mahigit isang daag machete, mga kutsilyo at iba pa sa magkakaibang quadrant sa NBP.

Kabilang sa isinailalim sa paghalughog ang Quadrant 2 at 3 na inabot ng tatlong oras.

Sa Quadrant 2 mayroong nasabat na mga signal boosters para sa cellphones. Habang may nakuha namang mga machete at kutsilyo sa Quadrant 2.

May na-recover ding improvised shotgun at mga lumang shotgun shells.

Ito na ang ika anim sa serye ng Oplan Galugad ng mga tauhan ng Bureau of Corrections sa bilibid na inumpisahan noong Nobyembre.

TAGS: OplanGalugad, OplanGalugad

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.