Duterte, nagsisisi pero hindi nagsorry sa pagmumura sa Santo Papa

By Chona Yu, Jay Dones December 02, 2015 - 04:24 AM

 

duterte (1)Nagpahayag ng kanyang pagsisisi si Davao City Mayor Rodrigo Duterte sa pagmmumura sa Santo Papa sa gitna ng kanyang talumpati noong nakaraang araw sa kasagsagan ng kanilang deklarasyon ng tambalan ni Sen. Alan Peter Cayetano.

Ayon kay Duterte, wala siyang intensyon na bastusin si Pope Francis at iginigiit na ang sitwasyon ng traffic at ang kapalpakan ng gobyerno na tugunan ito ang kanyang minura.

Dapat aniya, mas ipinaliwanag pa niya ng husto ang kanyang nais na iparating na mensahe sa publiko ukol sa isyu.

Samantala, humihingi naman ng pang-unawa ang Partido Demokratiko Pilipino (PDP) Laban sa publiko nang murahin ni presidential aspirant at Davao City Mayor Rodrigo Duterte ang Santo Papa dahil sa matinding trapik na idinulot nito nang bumisita sa bansa noong January 2015.

Ayon kay Senador Koko Pimentel, presidente ng PDP Laban, namura na ni Duterte si Pope Francis at wala na silang magagawa kundi humihingi na lamang ng pang-unawa dahil naging ugali na ng alkalde ang pagiging palamura.

Sinabi pa ni Pimentel na pinakiusapan na nila si Duterte na bawasan na ang pagmumura pati na ang pagbibigay diin sa mga kaso ng pagpatay sa mga kriminal sa Davao City.

Paliwanag ni Pimentel, colorful language lamang ang ginagawa ni Duterte lalo’t nasanay ito sa local politics sa nakalipas na 20 taon. Rule of law aniya ang paiiralin ng PDP Laban at ipinauubaya na ni Pimentel sa taong bayan kung iboboto pa nila si Duterte sa susunod na halalan.

Pinayuhan na rin ng PDP Laban si Duterte na huwag nang ipagyabang sa publiko ang pagkakaroon ng maraming babae sa buhay.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.