Sin tax collection ngayong 2015, tumaas

By Jan Escosio December 02, 2015 - 04:20 AM

 

Inquirer file photo

Bagaman bumaba ang bilang ng mga Pinoy na na naninigarilyo, tumaas pa rin ng P19.1 billion ang koleksyon sa sin tax, ayon sa Department of Finance.

Sa datos mula sa kagawaran, simula noong January hanggang nitong October, ang koleksyon mula sa mga buwis sa sigarilyo at alak ay umabot sa P105.5 billion pesos na mas mataas ng 22 percent kumpara sa naiatala sa kaparehong panahon noong 2014.

Umabot sa P15.6 billion ang nakolektang excise taxes sa mga produktong tabako at P3.5 billion naman sa mga nakakalasing na inumin.

Batay naman sa Social Weather Station survey, bumaba sa 26 percent noong nakaraang taon mula sa 29 percent ang bilang ng mga naninigarilyong Filipino na nasa tamang edad.

Umaasa ang Finance Department na tataas pa ang kanilang koleksyon hanggang sa 2017, kung kailan matatapos ang dagdag sa sinisingil na buwis sa mga bisyo.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.