Mga illegal terminal, lalansagin ng MMDA, HPG at LTFRB

By Jay Dones November 30, 2015 - 12:58 AM

 

Inquirer file photo

Bumuo na ng isang team ang Metro Manila Developmeny Authority o MMDa na naglalayong gibain na ang mga ilegal terminal ng mg PUJ at AUV at iba pang uri ng pampublikong sasakyan sa mga pangunahing lansangan sa Metro Manila.

Ayon kay MMDA Chairman Emerson Carlos, makakatuwang ng ahensya ang puwersa ng PNP-Highway Patrol Group at Land Transportation Franchising and Regulatory Board  sa naturang proyekto.

Bukod sa paglansag sa mga illegal terminal ng mga jeep, plano rin ng technical working group na patawan ng mas mataas na parusa ang mga  mahuhuling mga sasakyan.

Sa kasalukuyang listahan ng mga traffic violations na itinakda ng MMDA nasa P500 lamang ang multa sa mga mahuhuling nagbababa at nagsasakay sa hindi tamang lugar.

Bukod dito, plano rin ng composite team na hulihin at magpataw ng multa sa mga  mga lumalabag at humaharang sa mga ‘yellow box’ sa mga intersection sa lansangan.

Ayon sa HPG, may mga nadiskubre silang mga illegal terminal sa kahabaan ng Quezon Avenue, Muñoz, sa Balintawak at Cubao sa Quezon City.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.