Mga relief goods na nabubulok, natagpuan sa hukay sa Leyte

November 29, 2015 - 06:18 PM

 

Mula sa Google Maps

Saku-sakong bigas at relief goods ang nahukay sa isang liblib na barangay sa Dagami, Leyte.

May markang National Food Authority ang ilang plastic bag na may nakasulat ng Department of Social Welfare and Development ang mga nakuhang relief goods.

Tumanggi naman ang DSWD na magkomento ukol sa mga nahukay na relief goods.

Matatandaang una nang inamin ng DSWD na ilang relief goods na para sana sa mga nabiktima ng bagyong Yolanda ang nag expire lamang at ibinaon na lamang sa lupa.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.