6 nailigtas maraming iba pa ang nawawala sa lumubog na cargo vessel malapit sa Vigan City

By Den Macaranas November 28, 2015 - 08:56 PM

vigan
Namria

Anim katao na ang nailigtas ng mga dumadaang barko sa karagatang sakop ng Vigan City makaraang lumubog ang isang Panamanian cargo vessel na MV Fortune Life.

Pasado alas-otso ng gabi kahapon ng lumubog ang nasabing barko pero naantala ang pagpapada ng impormasyon sa tanggapan ng Philippine Coast Guard.

Galing sa Kaoshiung Taiwan ang nasabing barko na papuntang Malaysia ng maganap ang trahedya.

Sa inisyal na report ng PCG, sinasabing labing-siyam na crew ang sakay ng barko na karamihan ay mga Chinese nationals.

Nangyari ang sakuna 130-nautical miles kanluran ng Vigan City kung saan ay naglalaman ng mga clay at buhangin ang nasabing barko.

Sinabi ni Coast Guard Northern Luzon Commander Leovigildo Panopio na kasalukuyang nagsasagawa ng search and rescue operations sa area ang kanilang barkong BRP Pampanga.

TAGS: MV Fortune life, PCG, VIgan, MV Fortune life, PCG, VIgan

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.