No final plan para kay Chiz sa 2016

June 24, 2015 - 12:19 PM

10grace-chiz2
Inquirer.net file photo

Wala pang pinal na plano si Sen. Chiz Escudero para sa 2016 elections.

Sa Kapihan sa Manila Bay Forum ay sinabi ni Escudero na masyado pang maaga para magdeklara siya ng kandidatura.

Dagdag ng Senador, silang dalawa ni Sen. Grace Poe ay wala pang plano para sa halalan sa susunod na taon.

“Mag-aanunsyo ako ng desisyon bago ang huling araw ng filing ng Certificate of Candidacy (COC) sa Oktubre,” ani Escudero.

Binanggit ni Escudero si Poe sa isyu ng 2016 political plan dahil pinagpapareha sila ng senadora at dahil kapwa sila independent.

Una nang kinumpirma ng Senador na napag-usapan na nila ng lady solon ang posibleng “Poe-Chiz tandem” sa 2016 pero iginiit nito na wala pang pinal na desisyon.

Sinabi rin ni Escudero na susuportahan niya si Poe sa anumang desisyon nito sa 2016.

“Kuntento siguro ang mga tao sa nakita sa amin bilang miyembro ng senado,” pahayag naman ni Escudero ukol sa isyu ng maganda nilang standing sa mga surveys./ Len Montaño

TAGS: 2016 elections, chiz escudero, Radyo Inquirer, 2016 elections, chiz escudero, Radyo Inquirer

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.