Isa sa dalawang piloto ng pinabagsak na Russian warplane, nasawi

By Dona Dominguez-Cargullo November 25, 2015 - 07:02 AM

From Habertuk TV
From Habertuk TV

Patay ang isa sa dalawang piloto ng Russian warplane na tinarget at pinagbagsak ng mga otoridad ng Turkey.

Kahit nagawang makapag-eject mula sa tinarget na Russian warplane, nasawi pa rin ang isa sa mga piloto matapos itong barilin paglapag sa ground ng kaniyang parachute.

Ayon kay Russian Military spokesman General Sergei Rudskoi isa ring sundalo nila ang pinatay nang dumating sa crash site para hanapin at iligtas ang isa pang piloto. Dahil dito, hindi pa malinaw sa ngayon ang kondisyon ng nawawala pang piloto.

Pinatay umano ang nasabing sundalo nang dumating sa crash site at tinarget ng mortar fire ang sinasakyan nitong Mi-8 helicopter na magsagawa ng search-and-rescue operation.

Una nang sinabi ng Turkish army na ang Russian warplane ay pinabagsak matapos umanong sampung ulit na lumabag sa Turkish airspace sa loob ng five-minute period.

Pero iginiit ni Rudskoi na ang Su-24 ay hindi nakarating sa Turkish airspace. Hindi rin umano totoong tinangka ng Turkish army na kausapin ang mga piloto ng warplane sa pamamagitan ng radio o visual contact bago ito pabagsakin.

Dahil sa insidente, sinabi ni Rudskoi na ititigil na ng Russia ang lahat ng military contact sa Turkey.

TAGS: Russian warplane downed by Turkish authorities, Russian warplane downed by Turkish authorities

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.