All-Filipino group na 4th impact pasok na sa top 5 ng X Factor UK

By Dona Dominguez-Cargullo November 23, 2015 - 08:42 AM

Nakapasok na sa top 5 ng X factor UK ang grupong 4th impact na binubuo ng apat na magkakapatid na Pinay na sina Mylene, Celina, Irene at Almira Cercado.

Sa elimination round Lunes ng umaga, oras dito sa Pilipinas, nakaligtas ang grupo matapos ang kanilang kahanga-hangang rendisyon ng “There ain’t no other women” ni Christina Aguilera.

Matapos ang performance ng 4th impact para sa ika-apat na live show ng X factor UK, inilarawan ng judge na si Simon Cowell bilang “professional at sassy” ang pagtatangkal ng grupo.

Pero ayon kay Cowell, nais niyang magkita ang individual personality ng magkakaptid sa kanilang mga susunod na performance.

Matapos pumasok ang resulta ng mga boto para sa double elimination ngayong linggo, inanunsyo ang pagkakatanggal kina Anton Stephans at Mason Noise.

Maglalaban-laban para sa susunod na linggo ang natitirang contestants sa top 5 na kinabibilangan ng mga performer na si Lauren Murray, Louisa Johnson, Ché Chesterman, Regie n Bollie at 4th Impact.

TAGS: 4thImpact, XFactorUK, 4thImpact, XFactorUK

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.