Mga ‘gang’ sa Bilibid, balak i-legitimize ng DOJ

June 23, 2015 - 02:47 PM

New-Bilibid-Prison
Inquirer file photo

Plano ng Department of Justice na kilalanin bilang mga legal na organisasyon ang mga gang sa loob ng New Bilibid Prisons.

Ayon kay Justice Secretary Leila de Lima, ito’y upang makatulong ang mga gang sa mga inmates para sa pagbabagong buhay sa loob at hindi ang pagpapalaganap ng kriminalidad sa loob ng bilangguan.

Kaugnay nito, pinag aaralan na rin ng DOJ na ayusin ang sistema ng mga kooperatiba sa loob upang makatulong sa mga preso.

At upang wala ng cash na pumapasok at lumalabas sa Bilibid, suhestyon ni de Lima na gumamit na lamang ng mga ‘coupon’ o ‘token’ sa mga transaksyon sa loob tulad ng pagbili ng pagkain at iba pang mga pangangailangan. / Ruel Perez

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.