P75B insertion sa 2019 budget, nabulgar sa ‘question hour’ sa Kamara

By Erwin Aguilon December 11, 2018 - 09:19 PM

Lumabas sa ginawang pagtatanong ni House Majority Leader Rolando Andaya Jr. kay Budget Secretary Benjamin Diokno na hindi lamang P51 bilyon ang insertion sa 2019 budget.

Sa pagsagot ni Diokno sa question hour ng Kamara, lumabas na P75 bilyon ang insertion sa 2019 budget na inilaan sa Department of Public Works and Highways (DPWH).

Ayon kay Diokno, P652 bilyon ang hiniling na budget ng DPWH para sa 2019 pero P129.9 bilyon ang una nilang inaprubahan.

Nasundan aniya ito ng P350 bilyon o kabuuan ng P480.2 bilyon.

Matapos ito ay nagdagdag ang DBM ng P75 bilyon sa budget ng DPWH na hindi naman hiniling ng ahensya na tinawag na “president’s budget.”

Ito rin ayon kay Andaya ang insertion sa taunang gugulin sa susunod na taon.

Iginiit din ni Diokno na alam ito ng Pangulong Duterte na pinasinungalingan naman ni Andaya dahil ayon sa majority leader ng Kamara sabi sa kanya ng pangulo ay wala siyang kinalaman dito.

TAGS: 2019 budget, Rolando Andaya Jr, Sec. Benjamin Diokno, 2019 budget, Rolando Andaya Jr, Sec. Benjamin Diokno

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.